GMA pansamantalang mananatili sa ospital

PANSAMANTALANG mananatili sa Saint Luke’ Medical Center si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bago ito ilipat sa Southern Police District (SPD) detention cell.

Ayon kay Pasay RTC Clerk of Court Joel Pelicano, napagkasunduan ng depensa at ng prosecution na ilipat si Ginang Arroyo sa SPD detention cell sa tamang oras at tamang kondisyon.

Bago ang paglilipat kay Arroyo, mag-iinspeksyon ang magkabilang panig upang alamin kung nasa ligtas na kalagayan  ang mambabatas at titiyakin na magiging maayos ang kanyang sitwasyon sa loob ng kulungan.

Tiniyak rin na madadalaw ang dating Pangulo ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply