GMA pinakakanta sa electoral fraud

HINAMON ng isang senador si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na ikanta na ang lahat ng sangkot sa nangyaring dayaan noong nakaraang halalan ng 2004 at 2007 upang gumaan ang kasong electoral sabotage.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na malapit nang malaman ng publiko ang katotohanan sa likod ng naganap na malawakang dayaan noong 2007 na kung saan nauna siyang hindi nakaupo.

Nakaupo lamang si Pimentel matapos boluntaryong nagbitiw si dating Sen. Juan Miguel Zubiri.

“Arroyo should tell the court all she knows about what happened in 2004 and 2007. She should actually welcome this opportunity to explain her side and clear her name. If she is really innocent, then she has nothing to be worried about,” ayon kay Pimentel.

Nitong Biyernes (Nobyembre 18), nagpalabas ng warrant of arrest ang Pasay City Regional Trial Court kay Arroyo matapos isampa ng Commission on Election (Comelec) ang kasong electoral sabotage base sa rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ). Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply