GMA posibleng kasuhan sa Nob. 22

POSIBLENG kasuhan na ang dating pangulong Gloria Arroyo sa Nobyembre 22. Ito ang pahayag ni Bayan Muna party list Representative Teodoro Casinio kapag nabigo ang kampo ng dating Pangulo na tumugon sa ibinigay na palugit sa Nobyembre 21 kaugnay sa ZTE broadband deal.

Naniniwala si Casinio na mabigat at may probable cause ang inihain nilang kaso laban kay Arroyo kaugnay sa ZTE broadband deal.

Samantala, limang Comelec commissioner ang dumating para sa closed door session na nagsimula kaninang alas-7:30 ng umaga.

Nauna nang sinabi ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ng mga Arroyo na minamadali ng Department of Justice (DOJ) at Comelec joint panel ang pagpapalabas ng resolusyon upang mapigilan ang pag-alis ng bansa ng dating Pangulo.

Matatandaang inihayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na maaaring sampahan ng kaso ang dating Pangulo bago mag-Pasko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply