GMA posibleng umalis na mamayang hapon

MALAMANG na makalipad na patungong bansang Singapore si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos nakakuha ito ng ticket na palipad sa Singapore mamayang hapon.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, nakapagpa-book na ang dating Pangulo para makapagpagamot ng kanyang karamdaman sa Singapore.

Napag-alaman na nakatakdang umalis ang Singapore Air flight SQ-916 sa NAIA-1 dakong alas-5:10 ng hapon.

Pero nilinaw ni Lambino na may nakalaan pa rin silang flight bukas (Nobyembre 19) na nakadepende pa rin sa magiging resulta ng pulong ng Supreme Court sa kanilang special en banc session at sa magiging
kondisyon ni Arroyo.

Kaugnay nito, malaki ang tiwala ang kampo ni Ginang Arroyo na papabor sa kanila ang magiging desisyon sa special en banc session ng Supreme Court mamaya. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply