GMA resign hinarang ng PNoy allies

HINARANG ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III ang panawagan ng isang kongresista na magbitiw na sa pwesto si dating Pangulo, ngayon ay Pampanga Reo. Gloria Macapagal-Arroyo.

Off limits muna ang ilang kaalyado ni Pinoy sa Kamara de Representantes na suportahan ang panawagan ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na mag-resign na si GMA dahil sa idinudulot diumano nitong kahihiyan sa Kongreso at hindi na rin umano nito magagampanan ang pagiging mambabatas dahil sa taglay na karamdaman.

Mistulang hinarang nina Parañaque Rep. Roilo Golez at Eastern Samar Rep. Ben Evardone ang nasabing panawagan dahil sa kawalan ng sapat na basehan.

Giit ng dalawang mambabatas na hindi pa napapanahon ang pagbibitiw ni GMA.

Ito anila ay dadaan pa sa mahabang proseso.

Bukod dito ay marami pa anilang nakabiting kwestyon ang dapat na ipaliwanag tulad ng legalidad sa binuong Joint DOJ-COMELEC panel, constitutionality ng Circular No. 41 at legalidad ng warrant of arrest na inisyu ng Pasay Cityh Regional Trial Court.

Naunang ipinahayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na kaya pang gampanan ni Ginang Arroyo ang tungkulin sa ikalawang distrito ng Pampanga kahit siya ay naka-hospital arrest dahil meron naman aniya siyang mga staff.

Subalit kung mismong si GMA na ang humiling na maglagay ng caretaker sa kanyang distrito ay saka lamang magtatalaga ang Kamara ng pansamantalang kapalit nito kung saan kabilang aniya sa maaaring hiranging caretaker ay si Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo na panganay niyang anak at dating kinatawan ng nasabing distrito.

Tiniyak din ni Belmonte na kahit nasa ospital si GMA ay tuloy ang paglabas o pagbibigay ng pork barrel sa kanyang distrito dahil kailangan ito ng kanyang nasasakupan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply