GMA sasampahan na ng kaso

MAKARAAN ang pagpapatawag ng Commission on Elections (Comelec) ng isang emergency en banc session ngayong Biyernes napagkasunduan na ihain ang election sabotage sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Sa emergency meeting, na may kinalaman sa umano’y dayaan noong 2004 at 2007 elections lumabas sa pitong Comelec commissioners na lima ang sumang-ayon samantalang dalawa ang tumutol.

Dumating ang mga Comelec commissioners para sa closed door session na nagsimula kaninang alas-7:30 ng umaga.

Nauna nang sinabi ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ng mga Arroyo na minamadali ng Department of Justice (DOJ) at Comelec joint panel ang pagpapalabas ng resolusyon upang mapigilan ang pag-alis ng bansa ng dating Pangulo.

Matatandaang inihayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na maaaring sampahan ng kaso ang dating Pangulo bago mag-Pasko. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply