GMA sinampahan ng kasong sibil ng mga kaanak ng biktima ng Maguindanao massacre

SINAMPAHAN ngayon ng kasong civil si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Quezon City Regional Trial Court ng labing limang (15) kaanak ng mga mamamahayag na namatay sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Sa 13-pahinang compliant affidavit ng mga kaanak ng biktima ng nabanggit na masaker, kinasuhan ng mga kaanak ng biktima sa pangunguna nina Ramonita Salaysay, Zenaida Duhay, Juliet Palor Evardo, Ma. Cipriana GAtchalian, Glenda Legarda, Arlyn Lupogan, Mary Jean Merisco,Catherine Nuñez, Noemi Parcon, Editha Mirandilla Tiamzon, Erlyn Idalo Umpad, Alejandro Reblando Jr., Ma. Reynafe Momay-Castillo, Stephanaie Lechonsito ang dating Pangulo sa naganap na karumal-dumal na krimen.

Kasama ng mga kaanak ng mga biktima ng masaker na nagsampa ng kaso sa korte ang kanilang abogado na si Atty. Harry Roque, Jr., at Atty. Romel Regalado Bagares para sa humingi ng hustisya sa mga nasawing mamamahayag.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima malaki ang kanilang paniniwala na alam ni Rep. Arroyo ang naganap na krimen kung kaya’t nagsampa sila ng kasong sibil laban sa dating Pangulo.

“Malaki ang aming paniniwala na alam niya (Rep.Gloria Macapagal-Arroyo) ang naganap na pangyayari (Maguindanao massacre)” ayon kay Catherine Nuñez isa sa kaanak ng mga biktima.

Sinabi pa ni Roque, ang mga baril na ginamit umano ng mga suspek na isinasangkot sa naturang krimen ay ang resources umano nito ay galing kay Gng. Arroyo bilang dating pangulo at dating Commander-in chief of the Republic of the Philippine kung kaya’t kailangan mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng naturang masaker.

Ani pa Atty. Roque, wala din umanong ginawang aksyon ang dating Pangulo sa naturang pangyayari at bilang danyos humihingi sila sa korte ng tig-P500,000 para sa moral damages at tig-P500,000 para sa exemplary damages sa bawat isang kaanak ng napatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply