GMA sumailalim sa colonscopy dahil sa pagtatae

SUMAILALIM na sa colonoscopy sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa dinaranas nitong diarrhea o pagtatae noon pang nakaraang linggo.

Ang naturang pahayag ay kinumpirma ni Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni Ginang Arroyo, matapos niyang makausap ng personal sa telepono ang dating Pangulo.

Sa naturang pamamaraan,gagamit ng instrumento na magsisilbing camera upang masuri ang bituka ng pasyente.

Sa pamamagitan nang nasabing procedure, matutuklasan kung ano ang sanhi ng patuloy na pagdudumi ni Gng.Arroyo.

Bukod dito, kinakailangan din na kumuha ng maliit na bahagi sa bituka ni Gng. Arroyo na ipapa-biopsy upang mabatid kung anong uri ng gamot ang dapat na ipainom sa pasyente.

Napag-alaman na nagsimula umanong makaramdam ng paghilab ng tiyan ang dating Pangulo ilang araw matapos siyang pigilan ng mga ahente ng Bureau of Immigration na makabiyahe palabas ng bansa noong Nobyembre 15 upang makapagpasuri sa mga doktor sa ibang bansa.

Nananatili ang dating Pangulo sa naturang pagamutan sa kabila ng pagkumpirma ng kanyang mga doktor na puwede na siyang makalabas hangga’t hindi nagpapalabas ng kautusan ng korte kung saan siya dapat mapiit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply