GMA walang maaasahang tulong sa liderato ng Kamara

HINDI tutulong ang liderato ng Kamara de Representantes upang makakuha ng permiso si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makabiyahe at makapagpagamot sa ibang bansa.

Tiniyak ito ni House Majority Floor Leader Neptali Gonzales matapos hindi pagbigyan ni Justice Secretary Leila De Lima ang travel plea ni GMA.

Naniniwala si Gonzales na hindi dapat pang panghimasukan ng Kamara ang isyu bagkus ay ipaubaya sa Korte Suprema ang pagpapasiya lalo na’t nakapaghain na ng petisyon ang kampo ng dating Pangulo.

Kahapon (Nobyembre 8) ay isinumite ng mga abogado ni Gng. Arroyo sa Kataas-taasang Hukuman ang petisyon na kumukwestyon sa paglalagay sa dating presidente sa watch list order.

Ang nabanggit na watch list ang siya umanong nagiging balakid kung bakit hindi mapayagan si Gng. Arroyo na mag-abroad, bukod pa sa nakabinbin mga reklamo na maaaring niyang kaharapin kapag naisampa ang mga ito sa korte.

Ayon naman kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, nakakatawa aniyang isipin na mismong si Arroyo MA ang kumukwestyon sa kautusang kaniyang ipinalabas nang presidente pa ito.

“It is ironic that Arroyo is challenging her very own Hold Departure Order Circular issued thru her Justice Secretary  Raul Gonzalez and later Secretary Agra which she used against the opposition during her term,” sinabi ni Colmenares.

Kasabay nito ay kinukwestyon din ni Colmenares ang mabagal aniyang paghahain ng kaso ng administrasyong Aquino laban kay Arroyo.

“The speed bagal with which PNoy treated her prosecution is the reason why we are in this state. Now that it’s pending before the Supreme Court, DOJ instead of taking her off from the HDO watch list order must file cases and get a court order,” binigyang diin pa ni Colmenares.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply