GMA,Mike Arroyo aalis na ng bansa

POSIBLENG ngayong gabi o bukas ng umaga umalis ng bansa sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at asawang si Atty. Mike Arroyo.

Ito ay matapos na magpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema sa wathclist order na ipinalabas ng Department of Justice laban sa mag-asawang Arroyo.

Sa isang panayam, sinabi ng dating unang ginoo na inaasikaso na nila ang pagkuha ng plane ticket dahil aniya ay mahalaga na makapagpasuri ang asawa sa ibayong dagat.

Ani Atty. Arroyo, kritikal ang unang tatlong buwan ng kanyang may-bahay mula nang sunud-sunod na maoperahan ito sa kanyang karamdaman.

Sinabi pa ng dating unang ginoo na kasama nila sa kanilang pag-alis ang isang nurse at isang aid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply