Gold miner, 2-anyos binoga tepok sa Surigao del Sur

ISANG gold miner at anak na babae nito ang napatay makaraang barilin ng mga hindi nakilalang kalalakihan sa mining village sa Surigao del Sur, kagabi, Nobyembre 4.

Nakilala ang biktima na si Bienvinido Tamosa, 34, at ang kanyang 2-anyos na anak na si Princess Krizha Mae na binaril ng mga hindi nakilalang lalaki habang natutulog sa Barangay Kinayan, Barobo bandang 11 p.m.

Nabatid na agad na namatay ang mga biktima makaraang ilang ulit na barilin.

Hinihinala naman ng pulisya na miyembro ng New People’s Army ang mga salarin

Narekober sa pinangyarihan ang 17 basyo ng bala ng Carbine rifle.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply