Gold trader kinasuhan ng tax evasion sa DOJ

ISANG gold trader mula sa lalawigan ng Bulacan na hindi umano nagbabayad ng tamang buwis ang kinasuhan ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of JUstice.

Kinilala ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares ang kinasuhan na si Richelle Soriano Leonardo ng Meycauayan, Bulacan.

Ipinaliwanag ni Henares na batay sa kanilang isinagawang imbestigasyon, lumilitaw na hindi naghain ng tamang datos sa kanyang Income Tax Return (ITR) para sa taxable year 2009 si Leonardo sa kabila ng malaking kinikita nito sa kanyang negosyo.

Malinaw umano sa Sections 254 at 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) of 1997 na ang hindi tamang pagbabayad ng buwis at paglalagay ng maling impormasyon sa ITR ay labag sa batas.

Ayon sa BIR, aabot umano sa P1.22 billion ang dapat na bayaran na buwis ni Leonardo dahil na rin sa malaking kinita nito sa kanyang negosyo.

Sa kabuuan ay nasa 80 negosyante at professionals na ang sinampahan ng BIR sa DOJ ng tax evasion case alinsunod sa kanilang kampanya na Run After Tax Evaders (RATE) program sa ilalim ng pamamahala ng Aquino administration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply