Gov’t official na lumustay sa kaban ng Rizal kinasuhan

MISMONG ang provincial government ng Rizal ang nagsampa ng kasong paglustay sa salapi ng bayan sa apat na kahera, ito ang napag-alaman ngayon ng Remate.

Ang idinemanda at posibleng makulong ay sina Christine Reyes, dating kolektor at Virginia Payumo, dating kahera ng Angono General Hospital.

Ipinababalik naman kina Nancy Celerian at Willardo Paralejas, mga dating kahero ng Angono General Hospital, ang halagang P729,885.93 at P231,794 upang hindi sila makulong.

Nakapagsauli na si Paralejas ng P131,794 ngunit mananagot pa rin umano ito dahil sa paggalaw niya sa salapi ng bayan.

Ayon kay Rizal Gob. Jun Ynares, magsisilbing babala ang nasabing kaso sa lahat ng empleyado at opisyal ng Rizal government na hindi nila dapat galawin ang salapi ng bayan.

Aniya, hindi madaling maging lingkod-bayan at kung hindi nila ito kaya, mas mabuti pang magbitiw na lamang sila sa kanilang tungkulin.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply