Grabe kung bumaha

NASAAN ang mga epektib na solusyon sa mga pagbaha?

Napakalaking katanungan ito dahil sa hindi na maikakailang katotohanan na nakatatakot na ang mga pagbaha na nAgaganap sa bansa.

Lumalabas na ring ‘di sapat ang paggawa ng mga kanal at ilog na daluyan ng mga tubig papunta sa mga karagatan o kailugan.

Ngunit ang katanungan ay higit na mahalaga kaugnay ng mga nagaganap sa buhay ni Juan tuwing may matinding baha.

Bukod sa kamatayang idinudulot ng baha, napatunayan na ring milyon-milyong mamamayan ang napipinsalaan ng mga ari-arian at kinabukasan.

Maging ang pamahalaan ay napipinsala rin hanggang sa mawalan ng lubos na kakayahang umayuda sa mga biktima sa oras ng baha.

oOo

Bago sumagot sa tanong ang mga onorabol, dapat na marinig natin sa kanila ang mga ugat ng problema.

Ngunit sa pag-uugat ng problema, maging sa pagsasagot sa katanungan, dapat nilang isama at imulat din si Juan.

Sapagkat kung sila-silang mga onorabol lang ang kikilos nang walang partisipasyon si Juan, malamang na magmimintis ang mga onorabol sa kanilang gagawin.

Sapagkat sa bawat kilos ng mga ito, hindi ang pagharap ng problema ang mahalaga kundi ang pagkakaperahan nila sa lahat ng pagkakataon.

Ang mga kalbong kagubatan, Suki, ang isa sa mga ugat ng problema sa baha.

Nasaan ang bilyon-bilyong pisong programa para sa muling pagtatanim ng mga puno bilang tugon?

Walang gaanong ginagawa ang mga onorabol dito at ang masama, kumikilos sila para lalong mawala ang mga kagubatan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga minahan kahit saan lalo’t tiyak ang sosyo at pakinabang nila rito.

Maitutuwid lang ang mga ito kung igiit ni Juan ang kanyang karapatan na sumali sa usapan at kilusan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply