Granada nahukay ng aso, sumabog; 6 sugatan

NASUGATAN ang isang ginang at ang kanyang limang anak nang aksidenteng mapasabog ng kanilang aso ang granadang nakabaon sa ilalim ng kanilang tinitirahang kubo sa lalawigan ng Pangasinan kagabi (Nobyembre 24).

Nagtamo ng shrapnels sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-iinang sina Sarah Padaon, 38-anyos at ang kanyang mga anak na sina Fredalyn, 13-anyos at grade 6 pupil, Simon, 11-anyos at grade 2, Alfredo 10-anyos at grade 1, Roderick, 8 at John Carl, 3-anyos pawang residente ng Laoac town, Pangasinan.

Dinala muna ang mga bktima sa Manaog Community Hospital pero dahil sa kakulangan ng medical equipment ay inilipat sila sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City.

Natagpuan din sa lugar ng pinagsabugan ang gula-gulanit na bangkay ng kanilang alagang aso.

Pinaniniwalaang nahukay ng aso ang granada sa ilalim ng kanilang kubo at aksidente umanong natanggal nito ang pin ng kaya sumabog at dahilan upang ang aso ang nagtamo ng pinaka-grabeng pinsala.

Maliban sa mga grenade fragments, natagpuan rin ang pulisya ang ibang mga granada malapit lamang sa blast site.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply