Gringo: PNoy malabong ma-impeach

PINAPLANO pa lang na isasampa sa kamara ang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino ay tiniyak na agad ni Senador Gringo Honasan na mababasura lamang at hindi tatapak sa Senado ito para sa paglilitis.

Binigyang diin ni Honasan na maliwanag na lamang ang bilang ng mga kakampi ng Malakanyang sa Kamara kontra sa bilang ng opposition congressmen na nagbabalak na magpa-impeach kay Aquino.

Si House Minority Leader Edcel Lagman ang iniulat na nagbabalak na mag-file ng impeachment complaint laban kay Aquino nang dahil sa umano’y paglabag ng Pangulo sa konstitusyon nang suwayin nito ang utos ng Supreme Court na hayaang makapag-abroad ang mag asawang Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Atty. Mike Arroyo.

Ayon kay Honasan, may merito man o wala ang balak na isampang impeachment complaint, labanan ito ng numero at maliwanag na kapanalig ni Aquino ang mayorya ng mga kongresista.

Ayon naman kay Senate president juan ponce enrile, masyado pang maaga para sabihing paglabag sa konstitusyon ang sinasabing pagsuway ng Malakanyang sa Supreme Court ruling kontra sa travel ban kay GMA. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply