Imbestigasyon sa Ramgen slay palalimin pa

MALAKI ang paniniwala ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na guilty si Ramona Bautista sa pagpaslang kay Ramgen Revilla matapos itong lumabas ng bansa.

Ang tunay na salarin ay dapat parusahan! Ang di inaasahang pagtalilis ni Ramona Bautista ay isang senyales na may kinalaman at direktang partisipasyon siya sa nangyaring krimen, ayon sa senador sa ipinalabas na pahayag ngayong araw.

Kasabay nito, nanawagan din ang senador sa pulisya na imbestigahan nang malaliman ang pagpaslang kay Ramgen Revilla upang matukoy ang utak ng krimen kabilang ang sinumang sangkot dito.

“Kung may ibang nasasangkot dito, kahit pa sila ay mga kapatid ko, nararapat na panagutan nila sa batas at pagdusahan ang bigat ng kanilang sala bilang mga principal, mga accomplices at accessories sa kasong ito,” ayon kay Revilla.

Sinabi pa ni Revilla na dapat mag-imbestiga nang mas malalim ang pulisya sa insidente upang tuluyan nang matukoy ang lahat ng sangkot sa krimen na siyang lubhang ikinalungkot ng kanyang buong angkan.

“Nananawagan ako sa ating kapulisan na imbestigahan ng malaliman ang pagkamatay ng aking kapatid na si Ramgen Revilla upang malaman kung sino-sino ang nasasangkot at may responsibilidad sa karumaldumal na pagpaslang at sa muntikang pagpatay sa kanyang kasintahang si Janelle Manahan,” palwianag ng senador.

“Si Ramgen ay tinuring kong higit pa sa kapatid. Siya’y parang tunay kong anak, lagi siya sa aming piling at kasabay niyang lumaki, kalaro at kaibigan ang aking mga anak na sina Bryan at Jolo,” dagdag ni Revilla.

Pinaimbestigahan din ni Revilla sa pulisya ang mabilisang pagtakas ni Ramona Bautista kabilang ang sinumang tumulong sa kanyang kapatid sa ama na makalabas ng bansa.

“Gagawin ko ang lahat bilang isang lingkod bayan upang manaig ang batas, makamit ang katarungan, kahit sino pa man ang matamaan,” patapos ng senador.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply