Gulo sa pagitan ng PAL, Palea binubusisi ng Dole

INIIMBESTIGAHAN na ng Deparment of Labor and Employment (Dole) ang umano’y naganap na kaguluhan sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) at mga nagprotestang miyembro ng Philippine Airlines Employees’ Association (Palea).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nagsasagawa na sila ng imbestigasyon hinggil sa naganap na insidente sa NAIA noong Oktubre 29 na nagresulta sa pagkakasugat ng pitong miyembro ng Palea at pagkamatay ng isang security guard na umano’y na-suffocate sa tear gas.

“We strongly deplore the attack on the Palea picket line by alleged hired goons on the early morning of October 29, 2011, which resulted [in] the injury of at least seven Palea members and one unconfirmed casualty, a PAL security guard who got suffocated allegedly due to tear gas,”  ayon sa pahayag ni Baldoz.

Dagdag pa ng kalihim na ang umanoy pag-atake  ay  hindi dapat mangyari kung saan hiniling nito sa awtoridad na mahigpit na ipatupad ang maximum tolerance sa pakikipag-usap sa mga nagpuprotesta.

“We also reiterate our earlier call for sobriety on the part of PAL management and the Palea,” ayon pa sa kalihim.

“We also call for the conduct of a swift and fair investigation to determine the truth behind this unfortunate incident.” ani Baldoz. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply