Gulo sa pagitan ng PAL, Palea bubusisiin

PINAIIMBESTIGAHAN na ng Malacanang sa Department of Labor and Employment (Dole) ang nangyaring kaguluhan sa pagitan ng mga guwardiya ng Philippine Airlines (PAL) at mga miyembro ng Philippine Airlines Employees Association (Palea).

Una nang ipinatawag ng Macanang ang PAL management hinggil sa nasabing insidente.

Noong Sabado (Oktubre 29) ay nagkaroon ng kaguluhan sa airlines kung saan hinarangan ng mga nagpu-protestang miyembro ng Palea ang isang catering truck ng PAL na papalabas sana ng Gate 1 ng PAL Inflight Center sa MIA road.

Inakusahan naman ng Palea ang PAL na nag-hire sila ng goons upang mapaalis ang kanilang grupo kaya’t nagkaroon ng kaguluhan sa pag-disperse sa mga ito na ikinasugat ng pitong katao.

Nagpahayag naman ng kalungkutan si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa nangyari.

Dahil dito, nanawagan ang Malacanang sa magkabilang panig na huwag idaan sa dahas  ang sitwasyon.

Sinabi ni Valte na patuloy na nakamonitor ang Palasyo sa mga pagbabago at tiwalang magkakaroon ng patas na resulta ang imbestigasyon.

“The attack that resulted in the injury of seven Palea members last October 29 was unfortunate and deplorable. While we understand that emotions are running high, we call on both PAL and Palea to exercise sobriety in their dealings with each other. We continue to monitor the situation via the monitoring team deployed by Secretary Linda Baldoz, and we expect a fair and thorough investigation on the incident,” ani Valte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply