Gutom at HIV/AIDS

MAYROON tayong binabantayan, Suki, at walang iba kundi ang sinasabing malawak na kagutuman dahil sa nagdaan at mapanirang mga bagyong Quiel at Pedring.

Binabantayan natin ito dahil naalaala natin ang pagputok ng bulkang Pinatubo at ang pagkawasak ng buhay ng maraming taga-Gitnang Luzon dahil dito.

Naghari rin noon ang malawak na kagutuman sa mga sinalanta ng bulkan. At alam ba ninyo ang isa sa naging paraan ng marami para mabawasan man lang ang kanilang paghihirap at gutom?

Ipinagpapalit nila ang kanilang mga katawan, lalo na sa parte ng kababaihan, sa ilang kilong bigas, ilang pirasong salapi at iba pa.

Ngayon, Suki, posible bang mangyari rin ito sa mga sinalanta ng mga bagyo at baha kamakailan lamang?

oOo

Ngunit hindi rito natatapos ang nasabing usapin.

Bigla kasi nating naalaala ang mga sakit, gaya ng human immuno-virus at acquired immuno-deficiency syndrome, na kakambal ng sex for sale.

Mula noong 1984 na pagkakadiskubre ng walong may HIV/AIDS sa Subic-OIongapo, lumobo na ang bilang ng maysakit sa mahigit sa 6,000 at 323 na ang namamatay.

Pero sinasabi ng mga kinauukulan na maaaring doble o triple rito ang bilang ng mga
biktima dahil sa kawalan ng ulat dito.

Nakukuha ng nakararaming biktima ang sakit sa loob ng bansa habang 11% rito ang dala-dala pauwi ng mga overseas Filipino worker.

Ibig sabihin nito nagkalat ang mga may sakit ng HIV/AIDS sa buong bansa at libo-libo na sila.

Ngayon, paano kung ang mga ito ang magsasamantala sa mga nakararanas ng gutom dahil sa mga kalamidad?

Ano-ano na ang mga hakbang ng pamahalaan para pigilan ang pagbebenta ng laman at pagsasamantala rito na nagbubunga ng paglaganap ng HIV/AIDS?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply