Gwendolyn kinarir ang pagsali sa Miss World

IN FAIRNESS to our bet to the Miss World, Gwendolyn Ruais gave a brilliant answer to the common final question. Bukod dito’y nanguna rin siya sa tatlong areas in the competition, hence, kinarir talaga niya ang pagsali in living up to our expectations.

Of course, Gwen had to deal with the pressures. Nariyan ang tinamong tagumpay ni Chamsey Supsup in the Miss Universe, na pambato buhat sa Binibining Pilipinas kung saan bumaklas ang grupo ni Ms. Cory Quirino who launched the first Miss World Philippines.

Kahit paano siguro, this historical transition created more than just a stir in the Miss World in London, kung saan mas pinag-usapan ang Pilipinas at ang kandidata nito. ‘Ika nga, pre-sold na ang awareness among the judges that one out of more than a hundred bets came from a country that held its first local Miss World counterpart.

XXXX

HINDI na naitago pa ni Senator Bong Revilla ang kanyang galit nang magpatawag ng presscon isang araw makaraang “tumakas” patungong Hong Kong si Maria Ramona Bautista o Mara, kapatid ng pangunahing suspek sa pagpaslang sa kapatid nilang si Ram.

Kinuwestiyon ni Bong ang prior knowledge ni Genelyn Magsaysay, ina ni Mara, sa pag-alis ng anak. Consistent with his words prior to the presscon, hiling ni Bong na harapin ni Mara ang akusasyon shortly after she issued a different statement denying she was abducted by the assailants responsible for the crime.

Mas ikinagalit ni Bong ang paglayas ni Mara, bolstering public suspicion na maaaring guilty ito. Bagama’t there exists no extradition treaty between the Philippines and Turkey (where Mara was believed to have flown to from Hong Kong, kung saan residente siya ng Istanbul), nanawagan si Bong sa ating DFA to exhaust all legal and diplomatic efforts para mapauwi si Mara. Even the Interpol ay kinalampag na rin ng mambabatas.

The next day, Sunday, it was Genelyn’s turn to gather the media for her piece. Pasado na sana ang kanyang mga pronouncements on her two children’s non-involvement in the grisly murder, kaso ay para itong isang punong tinubuan ng sanga, at sanga na tinubuan pa uli ng sanga.

Categorically, Genelyn branded Bong’s act as nothing but an early campaign ploy lalo’t balitang mas mataas na elective post ang susunod na puntirya nito. Well, hindi na bago ang opinyong ‘yon, Bong got the same flak when he led the fight against voyeurism at the Senate na bumiktima kay Katrina Halili with Hayden Kho as the perpetrator.

Anyone could say straight to Bong’s face na ang kanyang involvement sa kaso is nothing but a tally board that records early votes to ensure victory in the next electoral exercise. But imagine if Bong would simply wait and see how things were turning out, sasabihing napaka-insensitive naman niya bilang nakatatandang kapatid ni Ram.

So, saan lulugar si Bong? If he swings either way, he gets rammed anyway!

And the height of Genelyn’s desperate diversionary tactics, ano’ng kinalaman ng buwanang sustento ni Don Ramon na isang milyong piso sa kanilang mag-iina, na hindi pa raw sapat? What bearing does this issue have on the case?

Hindi isang milyong piso ang pinag-uusapan, way below this amount lang dahil ang isyu rito ay ang P19,000 na down payment daw na galing kay RJ para pmbili ng baril na gagamitin ng mga inupahang killer para iligpit si Ram. These are the figures that Genelyn’s camp must address!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply