Gwendolyn Ruais, Ms World 1st runner-up

KINORONAHAN bilang Ms. World First Runner-Up ang pambato ng Pilipinas na si Gwendolyn Ruais sa coronation night ng ika-60 Miss World sa Earl’s Court, London.

Masaya ang beauty queen dahil sa suporta ng mga Pilipinong dumayo sa Earl’s Court para manood at sinabi nito na sana ay maging proud ang mga Pinoy sa tagumpay na kanyang nakamit.

Mahigit tatlong dekada bago muling nasungkit ng bansa ang first runner-up sa Miss World.

Ayon sa Chairman at Chief Executive ng Miss World Organization na si Julia Morley, maliit na puntos lang ang pagitan ni Miss World 2011 Ivian Lunasol Sarcos Colmenares ng Venezuela at ni Ruais sa labanan ng korona.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply