Habang pinipilahan ang ‘No Other Woman’: Mga ipis, daga naman nagpi-fiesta sa ‘Praybeyt Benjamin’

KALURKEY, one month na pa lang pinalalabas sa mga sinehan ang pelikulang “No Other “nina Cristine Reyes at Anne Curtis pero hanggang ngayon ay pinipilahan pa rin ito sa takilya.

Bongga talaga ang movie na to. Ang nakababaliw, nakasabay pa nito ang “Praybeyt Benjamin” na pelikula naman ng mukhang kabayong si Vice Ganda at ang resulta…pinakakain ng alikabok sa takilya nina Anne at Cristine ang plastikadang si Vice Ganda.

Super Flop talaga ang Praybeyt Benjamin ng vaklung at ang sinasabing dahilan ng kampo nito ‘y nataon daw kasi sa araw ng Undas ang playdate ng movie ni Vice. Teka, kahit umulan man o bumagyo basta’t maganda at hindi nega ang isang artista, walang dahilan para mag-flop ang isang proyekto.

Tinanong din namin ang Wonder Gays kung napanood na nila ang Praybeyt Benjamin ni Vice at isang bonggang-bonggang pag-iling ang naging tugon lamang sa amin ng mga alagang baklush ni Lito de Guzman.

Ayon pa sa mga Wonder Gays, wala raw silang panahong panoorin ang isang pelikula lalo na’t ang bida nito’y isang artistang mapanglait at plastikada na kagaya ni Vice Tsaka. Hahahahahaha!

Last Friday Oct 28, 2011, guest sa anibersaryo ng National Press Club ang Governor ng Laguna na si ER Ejercito. Nagpaunlak ito nang tawagin siya ng host namin sa NPC na makapagbigay ng mahalagang mensahe patungkol sa naiambag ng kapatid natin sa hanapbuhay na talaga namang pinalakpakan ng mga taga-NPC. After ng pagsasalita ni Governor sa harap ng mga news reporter at radio commentators, pinaunlakan naman nito ang kahilingan ng mga kapatid namin sa entertainment na makapanayam siya.

Ang unang tanong na naipukol kay Gov. ER ng mga kapatid natin sa panulat ay ang tungkol sa claim ni Robin Padilla na dapat bayaran siya ni Gov ER ng halagang 500k kaugnay sa pag-urong daw nito sa Metro Manila Film Festival para bigyang daan ang “Asyong Salonga” na entry nito sa naturang festival.

Ayon pa kay Gov ER, hindi raw siya ang dapat magbalik ng 500k na bond ni Binoe sa pamunuan ng MMDA na siyang humahawak at namamahala sa nasambit na festival.

Nilinaw rin ni Governor ang isyung nagkaroon sila ng hidwaan ni Binoe.

“Hindi kami puwedeng mag-away ni Robin padilla. Matagal na kaming magkaibigan noon pong pareho kaming gumagawa ng mga proyekto sa Viva Films.

“Isa pa’y magkumpare kami dahil sa inaanak nito ang aking panganay. May mga gumagawa lang ng gulo at intriga sa pagitan naming dalawa para kami mag-away,” muling hirit ni Gov. ER na sobrang humble pagdating sa isyung may away raw sila ng action star na si Robin P.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply