Hacienda Luisita handang sundin ang pasya ng SC

NAKAHANDA ang Hacienda Luisita na sundin ang pasya ng Supreme Court na ipamahagi na lamang ang lupa sa mga magsasaka nito sa halip na bigyan ng opsyon na mag may-ari ng stocks.

Sinabi ni Atty. Antonio Ligon, tagapagsalita ng Hacienda Luisita na kailangan lang muna nilang matanggap ang kopya ng desisyon ng korte kaugnay dito.

Mahalaga din umano na mabigyang linaw muna ang lahat ng kondisyon katulad nalamang ng pagbibigay ng just compensation at kung saan ito ibabatay.

Iginiit ni Ligon na mula pa man noon ay prayoridad ng pamunuan ng Hacienda Luisita ang ikakabuti ng mga lehitimong magsasaka sa hacienda.

Pinamamadali ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Hacienda Luisita o AMBALA ang pamamahagi sa lupain.

Binigyang diin ni Atty. Jobert Pahilga, abogado ng AMBALA na ngayong nagdesisyon na ang Korte Suprema na ipamahagi ang lupa ng hacienda ay dapat na agad na mapasakamay ito ng mga magsasaka.

Umapela si Pahilga sa Department of Agrarian Reform at pamilya Cojuangco na kaagad na ipatupad ang desisyon ng Supreme Court.

Aniya, bagama’t inaasahan nila ang pag-apela ng mga abogado ng Hacienda Luisita, tiwala silang hindi na mababaligtad pa ang desisyon dahil unanimous ang boto ng mga mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply