Hacienda Luisita naman!

ITONG pagbibigay ng lupa sa mga magsasakang walang lupa ang napakahirap na ipatupad ng gobyerno.

Repormang agraryo ang tawag sa programa na yan.

Kung maalaala ninyo, maklase-klase ang mga lupa na sakop ng repormang agraryo pero nakabatay kung gaano kalawak ang mga ito.

At sa lawak ng lupa nakabatay ang kalendaryo kung kailan ipamimigay ang mga ito.

Yung mga maliliit, Suki, ang inuuna.

Yung malalaki ang huli, gaya ng nasa 50 ektarya pataas.

oOo

May mga libo-libong ektarya naman na agad na natamaan ng programa gaya ng 5,000 ektaryang Hacienda Madrigal na matatagpuan sa Cagayan, Kalinga at Apayao.

Pero nakararami ang hindi sakop ng programa dahil wais ang mga may-ari.

Tinatamnan ang mga ito ng mga komersyal na tanim gaya ng tubo o kinukumbert na industrial zone para libre sa programa.

Higit dito, basta pinapatay na lang ang mga benepisyaryo nang paisa-isa o minamasaker na lang, gaya ng nangyari sa Hacienda Luisita.

oOo

Tinatalakay natin ang repormang agraryo dahil sa una’y tsismis at nga-yo’y balita nang may desisyon ang Korte Suprema ukol sa Hacienda Luisita.

Pabor ang mga hukom na mabiyak-biyak na ang asyenda o hindi?

Hangga’t walang inilalabas na desisyon ang Hukuman, mananatili tayong nakatikom ang bibig dahil mahirap nang makontem op kort.

Hehehe!

Pero halimbawang ang desisyon ay biyakan ng lupa o pabor sa pamamamahagi ng lupa, may tanong ngayon kay PNoy.

Aatasan ba nito ang Department of Agrarian Reform na gayahin ang DOJ ni De Lima sa bilis ng pagsasampa ng kaso laban kay Gloripie?

Tu si is tu bilib, PNoy, sa iyong gagawin dito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply