Halaga ng piso tataas sa 2012

INAASAHANG papalo sa pinakamalakas ang halaga ng piso sa 2012 dahil sa matatag na monetary signal.

Ayon sa European Investment Bank na credit Agricole Cib posibleng pumalo sa 40 pesos kada isang dolyar ang pinakamalakas na halaga ng piso hanggang sa Disyembre ng susunod na taon dahil na rin umano sa matatag na monetary policy signals.

Base sa kanilang emerging market monthly roadmap pinabatid ng nabanggit na investment bank na hihina ng 2.2% ang halaga ng piso kontra sa dolyar sa susunod na tatlong buwan subalit lalakas naman
2.6% sa susunod na anim na buwan.

Tinataya ng credit Agricole Cib na rerehistro sa 44.7 pesos ang halaga ng kada isang dolyar sa pagtatapos ng taong ito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply