Hamon kay Gen. Bartolome

SA nakaraang ilang isyu na ng Chokepoint, tinalakay natin ang reklamo at karaingan ng mga taga-Lipa City, Batangas.

Ito’y may kinalaman sa pamamayagpag ng iba’t ibang uri ng sugalan na ayon sa kanila ay lubhang nakaaapekto sa kanilang buhay.

Kuwento nila – tila baga  ‘ligal’ na ang operasyon ng jueteng, STL bookies, video karera, lotteng at pergalan sa Lipa City.

Ang patuloy na pamamalagi, anila, ng sugal sa kanilang lungsod ay dahilan ng pagkakalulong ng ilang miyembro ng kanilang mga pamilya rito.

Ang bookies ay lantaran ang pagpapataya, gamit ang prangkisa o permit ng PCSO-sponsored STL.

Sa tingin nila, naaabuso na ang paggamit ng mga enterprising gambling lord sa mga STL na may mga franchise mula sa PCSO.

Napag-alaman ng Chokepoint na riyan sa Lipa City, binabastos ng isang alyas  Carling at Mendoza  si PCSO chair Margie Juico.

Dahil sina Carling at Mendoza ang nasa likod ng STL con-jueteng o STL bookies na nag-ooperate sa buong Lipa City.

May mga ID para raw ang mga bet collector ng dalawang kumag na yan, kaya akala ng mga mananaya ay tunay na STL ang kanilang tinatayaan.

Ang police chief naman na si C/Insp. Maharlika Villasis, aba’y akala mo’y walang alam sa nangyayari sa kapaligiran.

Wala kayang  alam o nagmamaang-maangan lang?  Sa ganang atin eh, napakahina namang police chief si C/Insp. Villasis.

Isa pa itong si Mayor Mey-nardo Sabili. Tila wala ring alam gayong halos magbanggaan ang mga kubrador nina Carling at Mendoza sa pag-uunahan sa pagpapataya sa mga bahay-bahay at palengke.

Noong kampanyahan daw, kung mangako si Mayor Sabili ay ganun na lamang. Pero nang alkalde na, ayaw na raw kumilos.

Sa mga taga-Lipa City, alam n’yo na kung ano gagawin n’yo sa darating na election? Suportahan n’yo ang dapat suportahan.

Dahil alaws na talagang maaasahan ang mga residente kay Mayor Sabili sa kanilang idinaraing na mga sugalan, siguro si PNP Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang makareresolba sa kanilang reklamo.

Gen. Bartolome.. sir…hamon nila’y sawatain mo ang mga iligal na sugalan sa lungsod ni Mayor Sabili – unahin mo na ang bookies nina Carling at Mendoza.

Abangan….

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply