Hamon ni FG kay PNoy ikinairita ni Pangilinan

NAINIS si Senador Francis Pangilinan sa naging hamon ni First Gentleman Mike Arroyo kay Pangulong Noynoy Aquino na sumama sa pagpapagamot ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa ibang bansa kung takot itong matakasan.

Iginiit ni Pangilinan na dapat paalalahanan si Atty. Mike na wala na ito sa kapangyarihan kaya’t marapat lamang na maging maingat sa mga pahayag lalo na at ang Pangulo ng bansa ang tinutukoy.

“This corrupted sense of entitlement speaks volumes of how this couple treats high public office. How dare they view the office of the President as some sort of butler service they can avail of to attend to their personal needs. The President has infinitely more important things to attend to than act as ‘alalay’ to the Arroyos. Enough is enough. Their abusive and corrupted ways should be exposed and opposed,”diin ng senador.

Gayundin, suportado ni Pangilinan ang naging desisyon ng Department of Justice na huwag payagang palabasin ng bansa si GMA para umano magpagamot.

Aniya, maraming inconsistencies sa mga pahayag ng kampo ng dating Pangulo kaya’t kaduda-duda ang plano nitong pagbiyahe sa ibang bansa.

“Kalokohan ang hamon ni Mike Arroyo. Ano’ng akala niya sa Pangulo? Isang dakilang alalay o utusan nila na dapat samahan sila sa ibang bansa? Mas maraming mahahalagang bagay ang dapat na pagtuunan ng pansin ng ating Pangulo. Palibhasa matagal na nilang tinutulak ang kanilang makasarili at personal na interes nung sila ang nakaupo kaya pati ang Pangulo gusto nilang gamitin para itulak ang personal nilang mga interes. Tama na sila. Tapos na ang kanilang mapang-abuso’t mapanlinlang na paghahari. Itigil na nila ang kalokohan,” giit ni Pangilinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply