Hataw pa rin ang ‘Munting Heredera’

NABALITAAN namin sa corporate office ng GMA-7 na di apektado ang “Munting Heredera” sa pagbabago ng timeslot ng popular primetime soap. Mataas pa rin ang ratings nito sa kalabang programa. Iba talaga ang hatak ng show na ito na pinagbibidahan ni Gloria Romero, bilang matriarch, at tatlong bata.

Bida rin dito bilang parents sina Mark Anthony Fernandez at Camille Prats.

Hanggang ngayon ay di pa rin nagkakasama-sama sina Camille, Mark Anthony at ang anak nilang si Jennifer.

000

NAGING matagumpay ang ginanap na official launch ng TV5 International sa Dubai and Abu Dhabi noong Nobyembre 3-5.

Dubbed as GIVE ME 5, KAPATID ang launch ay naging posible sa tulong ng kanilang partner, ang Orbit Showtime Network o OSN.

Noong Nobyembre 3, isang exclusive press conference at luncheon kasama ang mga piling community leaders ang ginanap sa Sky Lounge ng Gloria Hotel sa Dubai. Nagtipun-tipon ang mga local press at pinaunlakan naman ito ng mga opisyal ng OSN kasama ang mga executives ng TV5 at PGNL na pinangunahan nina Atty. Ray Espinosa at Ito Ramirez. Kasama din sa nasabing press con ang TV5 stars na sina Ruffa Gutierrez at Shalala.

Kinabukasan, Nobyembre 4 ay tumulak papuntang Abu Dhabi ang grupo para sa isang buong araw na selebrasyon. Labis na ikinatuwa ng mga kababayan natin ang special presentation o FANS’ DAY kung saan nagpakitang gilas sina Shalala at Aga Muhlach.

Noong gabing iyon naging mas masaya ang pagtitipon dahil humigit kumulang 4,000 Pinoys ang naki-jam sa Side A band. Naging isang mistulang videoke bar ang buong venue habang sinasabayan ng mga Pinoy ang mga paborito nilang awitin ng Side A. Dito rin ipinamalas muli ni Aga Muhlach ang kanya mala-concert artist na performance. Nabighani naman ang lahat sa ganda ni Ruffa Gutierrez nang umakyat ito sa stage suot ang kanyang Cary Santiago gown.

000

MATAPOS magbigay saya ng Just for Laughs Gags sa iba’t ibang bahagi ng mundo, naghanda naman sila ng mga hindi matatawarang gags at pranks para pasakitin ang mga tiyan sa katatawa ng bawat Kapuso.

Ang Just for Laughs Gags ay maituturing na pinakatapat na reality show na ipinapalabas sa telebisyon. Ang nasabing programa ay kumbinasyon ng pinag-isipan, pinaghandaan at mga nakatutuwang pranks na ibabato sa mga walang kamuwang-muwang na subjects at huhulihin ng mga hidden cameras ang kanilang nakatutuwang reaksyon.

Ang mga inihandang gags ng nasabing programa ay siguradong maghahatid ng walang humpay na katatawanan at kukumpleto sa Saturday night ng mga Kapuso.

Huwag palampasin ang invasion ng Just for Laughs Gags sa Philippine TV. Abangan rin ang mga nakatutuwang hirit na hatid nito ngayong Sabado, 11:30 p.m.,pagkatapos ng “Inside Protege” sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply