HCPI Laguna tigil-operasyon

MANILA, PHILIPPINES — Pansamantala munang inihinto ng Honda Cars Philippines Inc., ang operasyon ng kanilang planta sa Sta. Rosa, Laguna simula pa noong Nobyembre 3.

Ang assembly plant ay apektado ng malawakang pagbaha sa Thailand na pinagmumulan ng mga parts at accessories na ginagamit ng HCPI Sta. Rosa sa pagbuo ng mga Honda models, gaya ng Honda Jazz at Honda Accord.

Tatlong linggo matapos sabihin ng Honda na inaalam muna nila ang magiging epekto ng sakuna sa Thailand sa lokal na merkado, heto at inanunsyo na ng Honda Cars Philippines na ang pansamantalang pagtigil ng operasyon sa Laguna plant ay kinakailangan at hindi maiiwasan.

Sinabi rin ng HCPI na hindi lamang sila ang apektado ng sakuna’ng ito ngunit pati na rin ang iba pang sangay ng Honda sa mga karatig bansa. Dahil rito, ay humihingi sila ng pang-unawa sa kanilang mga loyal customer.

Tiniyak naman ng HCPI na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hangga’t maaari ay hindi gaanong maabala ang kanilang mga kustomer.

Sa ngayon ay hindi pa matiyak ng HCPI kung kalian ulit magpapatuloy ang operasyon ng Laguna plant.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply