Health care facility itatayo sa malls, supermarkets

UPANG maging tugon sa malagim na trahedya ng pamamaril ng dalawang binatilyo sa loob ng mall sa Pampanga, isinusulong ngayon ng isang Quezon City councilor ang paglalagay ng health care facility sa bawat shopping mall, supermarket, shopping arcade at iba pang kahalintulad na establisimiyento.

Sa kanyang proposed resolution, sinabi ni QC councilor Allan Benedict Reyes na ang quick emergency response ay makapagbibigay agad sa mga taong nangangailangan ng medical attention kung mayroong health care facility sa bawat mall, supermarket at shopping arcade.

Anang konsehal, napansin niya na may mga mall goer ang nakararanas ng hypertension at iba pang sakit habang sila ay nasa pampublikong lugar dahil sa nararanasang climate change.

Sinabi rin ni Reyes, ang mga mall, supermarkets at shopping arcades ay may medical equipment tulad ng Automated External Defibrillator (AED), na isang portable electronic device na awtomatikong malalaman ang potential life threatening na cardiac arrhythmias ng ventricular fibrillation at ventricular tachycardia ng isang pasyente.

Sa paggamit ng AED, nasusuri ng doctor ang pasyente sa pamamagitan ng defibrillation, pag-aplay ng electrical therapy na nagpapatigil sa arrhythmia, at pinapayagan ang puso na tumibok ng epektibo o effective rhythm.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply