Health Center sa Makati hinagisan ng granada

HABANG abala ang buong bansa sa laban ng pambansang kamao na si Congressman Manny Pacquiao, sinamantala naman ito ng mga masasamang loob makaraang isang lalaki ang naghagis ng granada sa isang health center kaninang umaga sa Makati City.

Bahagyang binalot ng tensyon ang paligid ng Guadalupe Health Center nang isang granada ang natagpuan sa harapan mismo ng gusali ganap na alas-7 ng umaga.

Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Makati Bomb Disposal Unit at kinuha ang granada.

Ayon kay SPO2 Jose Dignos ng Makati Police, wala umanong ignition mechanism at walang laman ang naturang granada kaya hindi pwedeng sumabog.

Sinabi pa ni Dignos na maaaring pananakot lamang ang dahilan ng naghagis ng granada.

Patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply