Health issues sa paggamit ng LPG sa taxi tatalakayin

IMINUNGKAHI ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na magkaroon ng masusing pag-aaral kaugnay sa health at safety issues sa paggamit ng liquefied petroleum gas (LPG) ng mga taxi.

Sinabi ni Almendras na susulatan niya ang mga kalihim ng Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST) at Department of Transportation and Communications (DOTC) para magkaroon ng palitan ng kuru-kuro kaugnay sa health and safety issues sa paggamit ng LPG sa mga taxi.

Ayon sa kalihim, mukhang may mga basehan na delikado sa kalusugan at kaligtasan ng tao kung hindi maayos ang pagkakalagay ng LPG sa sasakyan.

Kaya mahalaga umanong mapag-usapan kung sino at paano ire-regulate ang installation o pagko-convert ng LPG sa sasakyan upang maprotektahan ang mga sumasakay dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply