Hearing sa banggaan ng Superferry at bangka itinakda sa Nob. 25

MAGSISIMULA na ang unang pagdinig sa Nobyembre 25 sa naganap na banggaan ng  sa pagitan ng Sperferry vessel at nang fishing vessel  na ikinasawi ng isang tripulante at ikinasugat ng iba pa sa karagatan sakop ng Saranganni Province noong Biyernes ng madaling-araw (Nobyembre 18).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)  ang unang pagdinig ay  nakatakda sa Maritime Industry Authority office sa Maynila.

Sinabi ng PCG na posibleng maharap sa kaso ang deck officers  ng Superferry  na nakaduty noong maganap ang insidente.

Nabatid na pansamantala namang ibinasura ang  ang  Seafarer’s Identification Record Book (SIRB) at  Qualification Document Certificates (QDC) ng 20 tripulante ng  Superferry  na nasa safekeeping  duties  noong mga oras na maganap ang banggaan.

Matatandaan na bumangga ang Superferry 20 sa bangkang pangisda na San Jose Bayanihan ganap na 1:00 ng madaling araw noong nakalipas na Biyernes sa baybayin ng Siguil sa Tinoto, Maasim, Sarangani.

Kabilang sa mga nasa safekeeping duties  nang maganap ang insidente ay ang deck officer s Captain Candido Rasonabe, Chief Officer Benjamin Damuag, 2nd officer Galileo Valendez, Auxiliary 2nd Officer Efren Tomo, Able Seaman Francis Neil Pagota at Apprentice Mate Jaime Dela Cruz.

“(Upon arrival in Manila), the deck officers shall continue to be suspended until after they have effectively undergone rigid trainings on Collision Regulation (COLREG) and Standards of Training Certification and Watch Keeping for Seafarers (STCW) Convention Regulation 11/1.4. Appropriate charges shall also be filed against them,” ayon sa PCG. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply