Helper patay sa bala ng 2 killer sa Navotas

DEDO ang isang helper matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang naglalakad sa Navotas, Miyerkules ng gabi, Nobyembre 23.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Royce Bornasal, 20, ng phase 2, Dagat-dagatan, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 11:45 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Mandaragat St., North Bay Boulevard South nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril si Bornasal.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mg una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply