Hero’s welcome nakahanda na para kay ‘Pacman’

NGAYON pa lamang ay ikinakasa na ng Armed Forces of the Philippine at ng City of Manila ang isang hero’s welcome para kay Lt. Col. at Sarangani Rep. Emmanuel “Pacman” Paquiao na inaasahang magwawagi sa pangatlong paghaharap nila ni three-time world champion Juan Miguel Marquez bukas (Nobyembre 13) sa Las Vegas Nevada,

Malakas kasi ang paniniwala ng bagong Army Chief na si M/Gen. Emmanuel Bautista sa angking galing  ng pambansang kamao na tatalunin ng Filipino Boxing Icon at eight-division champion ang kanyang  katungali.

“Juan Miguel Marquez mana-knock out sa third round” ito naman ang fearless forecast ni Manila Mayor Alfredo S. Lim.

Ayon kay Lim samahan natin si Pacaman sa kanyang dasal na magapi niya ng madali si Marquez bagama’t tiwala ang alkade na mananaig ang bilis at lakas ng kamao ni Pacquiao laban kay Marquez.

Inihayag pa ng alkalde na nakahanda ang pamahalaang lungsod at buong mamayan ng Maynila para handugan si Pacquiao ng isang hero’s welcome sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Samanatala inaasahan naming magiging zero crime rate muli ang araw na ito ng Linggo dahil abala ang lahat na nakatutok sa laban ni Pacquiao

Ayon kay Bautista, nagsilbi kasing isnpirasyon si Pacman sa taong bayan hindi lamang sa mga sundalo.

Kamakailan bago umalis si Paquiao patungong Las Vegas ay nagpahayag ito ng kalungkutan sa pagkasawi ng maraming sundalo sa naganap na sagupaan sa Al Barka sa Basilan at maging sa Zamboanga Sibugay.

Kayat hiniling ng pambansang kamao na sana ay isulong na ng pamahalaan at maging ng Moro Islamic Liberation Front ang tunay na pangmatagalang usapang pangkapayapaan.

Samanatala inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Oban Jr., maglalagay sila ng “free screening” ng laban para sa mga sundalo at kanilang pamilya. Ang mga naka-duty naman ay pahihintulutan na lamang manood ng replays. Ito ay para magampanan pa rin ng maayos ng mga sundalo ang kanilang tungkulin.

Bagama’t palaging mababa o halos walang naitatalang karahasan sa araw ng laban ni Pacquiao ay ayaw naman nilang magpaka-kampante.

Bunga nito, maaaring manuod ng laban ni Pacman ang kanyang mga tahang hindi naka-duty. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply