High Voltage mapapalaban sa 3YO race

NAKAHANAY si High Voltage sa Three-Year-Old Conditions B-1-2 na gaganapin sa Santa-Ana-Park sa naic, Cavite bukas ng gabi (Nobyembre 4).

Mapapalaban si High Voltage sa pitong matitikas na kabayo sa distansyang 1,300 meter race kung saan ay rerendahan siya ni class B rider John B. Cordero.

Inaasahang magbibigay sa kanya ng magandang laban ay sina Narra na gagabayan ni reigning back-to-back Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Jessie Basilio Guce at Chekong’s Best na sasakyan ni class A jockey Karvin Malapira.

“Angat sa laban si High Voltage pero pihadong mabibigyan siya ng magandang laban ngayon dahil puro dekalidad din ang mga kalahok tulad ni Nash.” wika ni Nick Atienza horse trainer.

May tiyempong 1:18 sa nasabing distansya si Nash na pag-aari ni Mandaluyong mayor Benhur C. Abalos Jr. at papatungan ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel Jr.

Ang ibang naghahangad sa premyong P20,000 ay sina My Queen, State Of The Art, Yellow Cat at Some Like It Hot.

Samantala, pito naman ang kalahok sa magaganap na Two-year-Old Maiden 2-1 race.

Sina Kidlat at My Wife Knows All ang napipisil ng mga karera tipsters ng programa ng karera na pang primera sa event na may P10,000 na premyo.

Ang iba pang kasali ay sina Tough Guy, Conqueror’s Magic, magalang Tito Arru at Zininner. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply