Hihigpitan pa

MAS hihigpitan pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa mga natitira pang araw ng bar examinations na ginaganap sa University of Santo Tomas (UST) sa España, Maynila.

Ayon kay NCRPO Director Allan Purisima, natuwa siya sa inilatag na seguridad ng awtoridad sa unang araw ng bar exams kahapon ngunit magdadagdag pa rin sila ng mga tauhan upang masiguro na mapapanatili ang kaayusan sa pagsusulit hanggang sa huling araw nito sa huling linggo ng Nobyembre.

Sinabi ni Purisima na hindi na dapat maulit ang nangyaring pagsabog sa bar exams noong nakaraang taon na ginanap sa De La Salle University (DLSU), kung saan marami ang nasugatan, kabilang na ang law student na si Raissa Laurel na naputulan ng mga binti.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply