Hijackers patay sa shootout

APAT na hinihinalang hijackers ang patay sa shootout sa lalawigan ng Laguna kanina.

Ayon kay Laguna Provincial Police Director, Sr. Supt. Gilbert Cruz, pasado alas-3:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa bayan ng San Pedro.

Naharang ang mga suspek lulan ng hinayjack nilang trak sa isang operasyon kung saan nagkaroon ng ilang minutong palitan ng putok.

Ala-1:00 kahapon ng hapon (Nobyembre 8) nang i-hijack ng mga suspek ang trak sa Centennial Road sa Kawit, Cavite at sa tulong ng mga impormante ay napag-alaman ng mga awtoridad ang daraanan ng mga suspek.

Ang mga napaslang ay sinasabing miyembro ng hijacking group na matagal nang nagsasagawa ng operasyon sa Calabarzon area. Anthony Vargas

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply