Hillary Clinton, nasa Pilipinas na

DUMATING na sa bansa US Sec. of State Hillary Clinton.

Pasado alas-4:00 kanina nang lumapag ang chartered flight ni Clinton sa Ninoy Aquino International Airport.

Nakatakdang magkaroon ng luncheon meeting si Clinton kay Pangulong Noynoy Aquino bilang bahagi ng kanyang state visit sa Pilipinas.

Una nang naiulat na ang pagbisita sa bansa ng U.S official ay para sa ika-60 anibersaryo ng RP-US mutual defense treaty.

Matapos ang pagbisita sa Pilipinas, tutungo naman si Clinton sa Bangkok, Thailand para personal na makita ang epekto ng mga sinalanta ng baha sa nasabing bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply