Hindi kulang ang bus sa Edsa– MMDA

TINIYAK ngayon ng Metopolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi kukulangin ang mga pampasaherong bus sa Edsa kahit na sinuspinde ang maraming unit ng mga bus dahil sa paglahok sa transport strike Nobyembre ng nakaraang taon.

Ayon sa MMDA, hindi dapat mangamba ang mga mananakay sa Edsa dahil hindi magkukulang ang mga bus doon sa kabila ng pagkansela ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa 129 unit Philippine Corinthian Liner na pag-aari ng singer-talent manager na si Claire Dela Fuente.

Sinabi ni MMDA General Manager Cora Jimenez, na imposibleng magkulang ang bus sa EDSA dahil ang rekomendadong bilang ng mga bus na bumiyahe doon ay 1,600 lang ngunit umaabot na ito ngayon sa 3, 000 mga bus.

Binalaan rin ng MMDA na huwag ng ipilit ng mga may-ari at operator na ibyahe ang mga suspindidong bus dahil huhulihin lamang sila ng ahensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply