Hindi suspek si Ramona kundi state witness – Genelyn

BAGAMAT nagbitiw na ng salita si Sen. Ramon “Bong” Revilla na hindi niya papatulan ang akusasyon ng ina ni Ramona na si Genelyn Magsaysay na ginagamit niya ang kontrobersya sa pagkamatay ng half-brother na si Ramgen bilang publicity.

Nanindigan ang senador sa kanyang hamon sa dating aktres na pabalikin sa bansa si Ramona na ngayon ay pinaniniwalaang tumakas na patungo sa Turkey.

Sinabi ni Bong na dapat ay harapin na lang ni Magsaysay ang katotohanan at manatili sa Pilipinas si Ramona kung hindi ito guilty sa pagkakasangkot sa kasong pagpatay sa sariling kapatid.

Una rito, muling pinasaringan ng dating aktres ang senador.

Ayon kay Genelyn, wala pang korte na humahawak sa kaso kaya wala pang nakababang warrant of arrest sa kanyang anak.

Sa katunayan aniya, bilang nanay na namatayan ay siya ang dapat na magdemanda pero kabaligtaran ang nangyari.

“Nakikiusap po ako, ‘wag sanang gamitin ang pagkamatay ng aking anak na si Ramgen para sa kung anu-anong publicity. Mahiya naman kayo! Simpleng tao lang po ako, ano po ba ang laban ko sa isang malaking pulitiko?”

Binanggit pa nito na may sangay ang gobyerno na nangangahulugan na ang desisyon at pagpapatakbo nito ay dapat malaya sa isa’t isa at walang pakialamanan.

Kaya hindi umano puwede na senador ka na, mambabatas ka pa, hukbong ka pa.

samantala, nilinaw din ni Genelyn na nangangamba sa kanyang kaligtasan si Ramona kaya nagdesisyon itong umalis ng bansa.

Sa isang prepared statement, muli ring pinabulaanan ng ina ni Mara na si Genelyn Magsaysay na pinagtatakpan nito ang anak para magtago.

Iginiit ng magulang na sarili umanong desisyon ng anak ang umalis ng Pilipinas.

Binigyang diin pa ni Genelyn, na hindi suspek ang kaniyang anak sa krimen kundi state witness.

Maalala na sa naunang pahayag ni Ramona, inamin nito na nasa bahay siya ng mangyari ang pagpatay sa kaniyang kuya noong October 28.

Taliwas din sa nauna nitong pahayag na dinukot siya ng mga salarin, inamin din ni Ramona na walang nangyaring pagdukot at ang kaniyang pag-alis sa bahay noong gabi na mangyari ang krimen ay bunsod ng matinding takot.

Maliban kay Ramona, suspek din sa krimen ang isa pa nitong kapatid na si Ramon Joseph.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply