Hinihinalang salvage victim natagpuan sa QC

NAGMISTULANG basura .ang bangkay ng isang lalaking hinihinalang salvage victim na natagpuan sa barangay North Fairview Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa Quezon City Police District Station-5, tadtad ng sugat sa katawan ang biktima na hindi pa malaman kung tama ng baril o saksak.ang ikinamatay nito.

Sa ngayon ay hindi pa rin kilala ang biktima na sinasabing may payat na pangangatawan at nakasuot ng rubber shoes, khaki pants at black t-shirt.

Sinasabing tinanggalan din ito ng isang mata, isinako at sinama sa tambak ng basura sa naturang lugar.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang pagkakakilanlan ng naturang biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply