Hirit na TRO ng Arroyos vs Comelec-DoJ panel dedma sa SC

HINDI nagpalabas ang Korte Suprema ng hirit na temporary restraining order (TRO) ng kampo ng mga Arroyo para sa pag-iral ng Comelec-DoJ panel.

Ito sana ang inaasahan ni dating pangulong Gloria Arroyo at dating FG Mike Arroyo na pipigil sa  Pasay City Regional Trial Court (RTC) para sa paghawak ng criminal case na electoral sabotage.

Kaugnay nito, inatasan ng SC en banc ang Department of Justice (DoJ) at Commission on Elections (Comelec) na magpaliwanag para sa tatlong inihaing petisyon ng mga Arroyo.

Kabilang na rito ang dalawang kumukwestyon sa constitutionality ng DoJ-Comelec panel at na  humihiling na ipawalang bisa ang paghahain ng criminal case sa Pasay court na nagpalabas ng warrant of arrest.

Binigyan ang DoJ at Comelec ng hindi lalagpas sa limang araw para magkomento.

Itinakda ang oral argument sa Nobyembre 29, 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply