Hiwalay na’t lahat-lahat… KC hindi pa naipakilala si Piolo sa kanyang Daddy Gabby

OF COURSE we are on KC Concepcion’s side lalo na’t may pinagdaraanan talaga ngayon ang dalaga ni ‘Nay Sharon Cuneta sa kanyang lovelife at mukhang totoo na ang mga naglalabasang news na hindi na raw siya makikipagbalikan pa kay Piolo Pascual dahil sa magkasunod na very intriguing “tweets” nito na patamang lahat sa kanyang ex. Unang tweet ni KC, “Finishing this fullfiling US Tour with PJ and Yeng is definitely bittersweet.”

Pinost ito ng young singer-actress pagkatapos ng series of shows nila sa Tate kung saan mismong ang entertainment editor ng People’s Journal na si Eugene Asis ang nagpatunay na malamig na ang dalaga ni Mega sa kanyang dating papa dahil wala na raw kilig moment habang nagpi-perform ang dalawa sa Shrine, Auditorium sa Los Angeles California. Hindi na raw talaga sweet si KC kay Piolo kahit hinawakan pa ng actor ang kamay nito.

Heto pa ang latest tweet ng youngstar na kinuha niya sa hindi malilimutang “quote” sa Hollywood movie na “The Notebook” and here it goes “I still love you, that’s a fact. But a million apologizes can’t bring me back.”

Eh, sino pa ang pagdududahan na pinapatamaan ni KC sa malamang mensahe niyang ito kundi ang ex-boyfriend si Piolo?

Hay, naku! napakasalimuot ng rason ng break-up ng dalawa at ang tanging masasabi lang namin we cannot blame KC if she’s doing these things kasi masyado siyang nasaktan dahil tunay at tapat niyang minamahal si Papa P. Nagmahal din kami ng ilang beses ng walang daya so napi-feel namin kung anuman ang nararamdaman at mga pinagdadaanan ngayon ni KC.

Saka totoo pala na hindi pa na-iintroduce formally ni KC si Piolo sa kanyang Daddy Gabby Concepcion. Wala kasi itong masabi sa actor noong ma-interview ito para sa kanyang latest movie sa Regal Films.

Well, sa mga nagtatanong kung maayos pa ang problema sa relasyon ng dalawa? Depende ‘yan kay KC kung kakayanin pa nitong intindihin ang true love pa naman sanang si Piolo.

Kasakit gyud!

***

‘The Healing’ n ina Governor Vilma Santos, Kim Chiu tatabo sa takilya

KAHIT pa enjoy ay very tiring talaga ang mag-travel at magbakasyon sa ibang bansa. Like Queenstar of All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos na kagagaling lang sa kanilang two-week vacation ng kanyang Papa Senator Ralph Recto and good looking son Ryan Cristian and other entourage sa Thailand at Malaysia. Pero knowing Gov. Vi na ayaw napababayaan ang kanyang constituents, after ng ilang days lang na rest, balik paglilingkod na naman ito sa opisina niya sa Kapitolyo ng Batangas City.

Siyempre pa, balik-shooting na rin ito sa horror-suspense drama movie nila ni Ms, Binondo Girl Kim Chiu na grabe ang kasikatan dahil sa teleseryeng “My Binondo Girl” na pinanonood namin gabi-gabi. Puring-puri nga pala ni Kim si Ate Vi na na-looking back ay nakasama na niya ito during her Pinoy Big Brother Teen Edition days sa isang acting session nila kung saan ang sikat na actress-politician ang nagsilbing acting coach nila that time. Then dito nga sa The Healing movie nila under Star Cinema, naging very supportive sa kanya ito.

Say pa ni Kim patungkol kay Gov Vi: “Okey siya, sobrang mabait, sobrang maalaga, very nanay. Hawak nang hawak sa likod ko, ano na? ganyan. Natutuwa ako dahil siyempre Vilma Santos, hahawak-hawakan ka ng maraming beses,” masaya pang chika ni Kim. At kahit komportable na ang lalong gumagandang young-actress kay Ate Vi, may mga pagkakataon pa rin naman daw na kinakabahan siya sa Queenstar for All Seasons. At hindi man kami manghuhula naba-vibes namin na dahil sa sobrang kasabikan ng lahat ng Vilmanian’s na mapanood uli sa big screen ang kanilang nag-iisang Idol na marunong magpahalaga sa kanila, papanoorin siyempre ng mga silent fans ng aktres ang kanilang movie ni Kim. Dahil dito, sure na sure na tatabo ito sa takilya.

Si Chito Roño ang director nito na ina-idolize na rin ng maraming Vilmanian’s like Kabayan o Ka-Gensang si Willie Fernandez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply