Hiwalayang Ogie, Vice Ganda, may kinalaman si Kris?

USAP-USAPAN ang pag-amin ni Ogie Diaz sa kanyang programa sa radio na “Vibes Tayo” na hiwalay na sila ni Vice Ganda. Pero inintriga rin na may kinalaman si Kris Aquino sa hiwalayang ito?

Siya kaya ang nag-influence kay Vice na iwanan si Ogie para iisa na ang manager nila – si Deo Endrinal?

“Ang hahawak kay Vice Ganda ay si Deo Endrinal for the network. For ABS-CBN. Si Deo Endrinal ay business unit head ng mga programang teleserye. Siya rin ang manager ni Kris Aquino.

“Si Kris Aquino na kaibigan din ni Vice,” pahayag ni Ogie.

Pareho nilang napagdesisyunan na maghiwalay na bilang talent at manager.

“Officially today, hindi na po ako ang manager ni Vice. Ang ABS na po,” sey ni Ogie.

Noon pa ay matindi ang alingasngas na may attitude talaga si Vice Ganda at iniintindi lang siya ni Ogie at pinagtatakpan.
Hinuhulaang darating talaga sa ganitong situwasyon.

‘Yun na!

-0o0-

BUONG ningning na inamin nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nagkakaroon din sila ng tampuhan bilang mag-asawa. Minsan nga ay humantong sa apat na araw na hindi sila nag-uusap at nagpapansinan.

“Makulit po talaga ako pagdating sa asawa ko kasi pag hindi kayo okay na mag-asawa tapos nasa isang kwarto kayo, parang hindi tama, lalo na kung hindi mo alam kung anong nangyayari. Kung alam ko kung ano ang kasalanan na ginawa ko, hindi ko talaga siya kukulitin. Pero kung hindi ko alam, hindi naman ako titigil sa sa pangungulit sa kanya. ‘Sige na please, mag-usap tayo,’ hanggang sa mabuwisit na siya sa akin, kakausapin na niya ako,” kuwento ni Juday sa presscon ng kanilang filmfest movie na “My Househusband: Ikaw Na” under OctoArts Films.

Natatawa namang dugtong ni Ryan parang nagpalit ang situwasyon sa kanila since na mag-asawa na sila.

“Parang nagpalit. Seven years together, kasama ang pagiging mag-boyfriend. Dati po kasi ako yung ayaw bumitaw at nagsasabi, tapusin na natin ito. Parang natutunan ko ang ‘Judy Ann style’ ng pag-aaway, so ginagamit ko sa kanya ngayon. Medyo quiet na muna, bayaan kitang ikaw ang lumapit. Mukhang ume-effect naman. Mukhang ume-effect naman po kasi matiwasay kaming nagbabati. Kung ako dati ang pumupunta sa mommy niya para humingi ng kakampi, ngayon, siya ang pumupunta sa magulang ko para humingi ng kakampi.”

Marami ang natawa kay Ryan sa pagbibiro niyang makakaya niyang tiisin na walang  nagluluto sa kanya ng pagkain kesa diyeta sa ‘ginagawa’ ng mag-asawa kaya binabati rin niya agad si Juday.

“Pag nag-away, wag naman yung away lang. Dapat yung may magandang pupuntahan. Mahirap yung away nga kayo ng away, yun at yun din naman. Pag may pinag-awayan, alam mong in the future, hindi mo na gagawin ulit kasi yun naman ang pinag-ugatan. More than the away, the learning ang importante,” sey pa niya.

‘Yun na!

-0o0-

TINANGHAL na Best TV Station ang ABS-CBN sa katatapos na 25th PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila noong Martes ng gabi, Nobyembre 22, 2011.

Kumamada ng 26 awards ang ABS-CBN, 15 ang GMA-7, 6 ang TV5, 3 ang Studio 23, 2 naman ang Net 25 at 1 ang GMA TV News.

Tinanghal na Male Celebrity of the Night si Luis Manzano, si Shamcey Supsup ang Female Celebrity of the Night. Ang Female Skin of the Night naman ay nakuha ni Aiko Melendez

Si Piolo Pascual ang Male Face of the Night at si KC Concepcion ang Female Face of the Night.

Ang Male & Female Star of the Night naman ay ipinagkaloob kina Coco Martin at Toni Gonzaga.

Pinagkalooban ng Hall Fame Award ang Drama Anthology na Maalaala Mo Kaya at ang Showbiz Oriented Talk Show Host na si Boy Abunda. Binigyan din ng parangal ang Longest Running Musical Variety Show na Superstar ni Nora Aunor.

Star Builder award ang ibinigay kay German Moreno. Tinanggap naman ni Iza Calzado ang plake para sa Posthumous Award sa kanyang namayapang amang si Lito Calzado. Si Jessica Soho ang tumanggap ng Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award. At Ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award ay ibinigay sa Queen of Philipine Movies na si Susan Roces.

Narito ang mga nagsipagwagi:

Best Children Show: Art Angel (GMA 7)
Best Children Show Host: Tonipet Gaba and Roxanne Barcelo/Art Angel (GMA 7)
Best Educational Program: Matanglawin (ABS-CBN 2)
Best Educational Program Host:  Kim Atienza (Matanglawin/ABS-CBN 2)
Best Travel Show: Trip Na Trip (ABS-CN 2)
Best Travel Show Host:  Kat de Castro, Jason Gainza, Franzen Fajardo, Kian Kazemi/Trip Na Trip (ABS-CBN 2)
Best Lifestyle Show: US Girls (Studio 23)
Best Lifestyle Show Host: Angel Aquino, Iya Villania, Cheska Garcia-Kramer/Us Girls (Studio 23)
Best Morning Show:  Umagang Kay Ganda (ABS-CBN 2)
Best Morning Show Host: Anthony Taberna, Alex Santos, Donita Rose, Bernadette Sembrano, Winnie Cordero, Iya Villania, Andrei Felix, Venus Raj, Jeffrey Tam (Umagang Kay Ganda/ABS-CBN 2)
Best Public Affairs Program: Bottomline with Boy Abunda (ABS-CBN 2)
Best Public Affairs Program Host: Boy Abunda (Bottomline/ABS-CBN 2)
Best Magazine Show: Rated K (ABS-CBN 2)
Best Magazine Show Host: Korina Sanchez / Rated K (ABS-CBN 2)
Best Documentary Program: I- Witness (GMA-7)
Best Documentary Program Host: Kara David, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc (I-Witness/ GMA-7)
Best Documentary Special: Pluma: Rizal, Ang Dakilang Manunulat (GMA News TV)
Best Public Service Program: Bitag (UNTV 37)
Best Public Service Program Host:  Atty. Presida Acosta/Public Atorni (TV5)
Best News Program: 24 Oras (GMA-7)
Best Male Newscaster: Anthony Taberna / Iba-Balita ni Anthony Taberna (Studio 23)
Best Female Newscaster: Vicky Morales / Saksi (GMA-7)
Best Youth Oriented Program: Reel Love Presents:  Tween Hearts (GMA 7)
Best Horror/Fantasy Program: Wansapanataym (ABS-CBN 2)
Best Talent Search Program: Showtime (ABS-CBN 2)
Best Talent Search Program Host: Luis Manzano, Billy Crawford (Pilipinas Got Talent/ABS-CBN 2)
Best New Male TV Personality: Derrick Monasterio/Reel Love Presents: Tween Hearts (GMA-7) ,Teejay Marquez / Reel Love Presents:  Tween Hearts (GMA 7)
Best New Female TV Personality:  Jillian Ward / Trudis Liit (GMA 7)
Best Celebrity Talk Show: Moments (Net 25)
Best Celebrity Talk Show Host: Janice de Belen (Spoon/ Net 25)
Best Variety Show: Willing-Willie (TV 5)
Best Game Show:  Panahon Ko ‘To! Ang Game Show Ng Buhay Ko (ABS-CBN 2)
Best Game Show Host: Vic Sotto (Who Wants To Be A Millionaire/TV5)
Best Gag Show: Bubble Gang (GMA 7)
Best Showbiz Oriented Program: The Buzz (ABS-CBN 2)
Best Male Showbiz Oriented Program Host: Luis Manzano/E-Live (ABS-CBN 2)
Best Female Showbiz Oriented Program Host: Cristy Fermin/Paparazzi (TV5)
Best Comedy Show: Pepito Manaloto (GMA-7)
Best Comedy Actor: Ogie Alcasid (Bubble Gang/ GMA-7)
Best Comedy Actress: Ai-Ai delas Alas/M3: Malay Mo Madevelop (ABS-CBN 2)
Best Daytime Drama Series: Little Star (GMA-7)
Best Drama Mini Series: Agimat: Mga Alamat Ni Ramon Revilla Presents Kapitan Inggo (ABS-CBN 2)
Best Drama Anthology: Untold Stories Mula Sa Face To Face (TV5)
Best Musical Variety Show: ASAP  Rocks (ABS-CBN 2)
Best MaleTV Host: Allan K/Eat Bulaga! (GMA 7)
Best Female TV Host: Toni Gonzaga/ASAP Rocks (ABS-CBN 2)
Best Primetime TV Series: Minsan Lang Kita Iibigin (ABS-CBN 2)
Best Single Performance by An Actor: Enchong Dee/“Parol” episode, Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN 2)
Best Single Performance by An Actress: Ai-Ai delas Alas / “Krus” episode, Maalaala Mo Kaya (ABS-CBN 2)
Best Drama Actor: Coco Martin/Minsan Lang Kita Iibigin (ABS-CBN 2)
Best Drama Actress: Gretchen Barretto/Magkaribal (ABS-CBN 2)
Best Station: ABS-CBN 2

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply