HDO sa mag-asawang Ligot hiniling ng DOJ

INATASAN na ng Department of Justice (DOJ) ang  National Prosecution Service na hilingin sa Court of Tax Appeals ang pag-isyu ng hold departure order (HDO) laban sa mag-asawang Jacinto at Erlinda Ligot kaugnay sa  kinakaharap nilang tax evasion case.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ang pagsasailalim sa HDO sa mag-asawang Ligot ay upang mapigilan ang anumang tangkang pagpuslit ng mga ito palabas ng bansa.

Ang mag-asawang Ligot ay pinaghahanap na rin ng PNP at maging ng National Bureau of Investigation.

Ayon sa kalihim, nakipag-ugnayan na ang NBI sa mga kamag-anak ng mga Ligot para kumbinsihin na sumuko na lamang at huwag nang magtago sa batas.

Nabatid na biniberipika  na ng PNP ang mga reports na pinagtataguang lugar ng mga Ligot.

Kaugnay pa rin sa patung-patong na tax evasion case ng mga Ligot, tiniyak naman ng Bureau of Immigration  na hindi pa nakakalabas ng bansa ang mga ito kasunod naman ng pag-isyu ng arrest warrant ng Court of Tax Appeals. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply