Holdaper ng mga Bumbay natiklo

NATIMBOG ang isang holdaper na ang karaniwang binibiktima ay mga Bumbay matapos muling mambiktima sa Caloocan City kahapon (Oktubre 31).

Nakilala ang suspek na si Bartolome Yabut, 39, ng Barracks 2, Tala ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon, nakatayo at inaabangan ng biktimang si Karamjit Singh, 34 ng Quezon City ang kaibigan sa Quirino Highway, Caloocan City nang lapitan ng suspek at tutukan ng baril.

Kinuha ng suspek ang P1,500 pera ng biktima bago tumakas sakay ng Suzuki Motorcycle na walang plaka.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga pulis at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Yabut sa kanilang lugar subalit hindi na nakuha pa ang pera ng biktima.

Nabawi rin ang Suzuki na gamit ng suspek na nabatid na tinangay sa naunang biktimang Bumbay na si Ray Singh noong nakalipas na Oktubre 27, 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply