Holdaper utas, kasama dakip sa shootout

DEDO ang isang holdaper habang nadakip ang kasama nito matapos makipagbarilan sa mga pulis makaraang mambiktima ng Bumbay sa Malabon City, kaninang umaga.

Dead on arrival sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Danilo Maglente, 37, ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Nadakip naman si Noel Cabacang, nasa hustong gulang ng Longos, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 11 ng umaga, hinoldap ng mga suspek si Sol Singh sa Martiniko St., Dagat-dagatan, Navotas.

Tumakas ang mga suspek sakay ng dalang motorsiklong (5000-PH) papuntang Malabon City kung saan agad na nakahingi ng tulong ang biktima sa mga pulis.

Agad na nagsagawa ng check point ang Malabon Police sa Maya-Maya St., at nang makita ng mga suspek ay agad na nagbunot ng baril si Maglente at pinutukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nahagip si Maglente na naging dahilan upang dalhin sa PLM habang sumuko naman si Cabacang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply