Holdapers sa LBC Catbalogan City, tukoy na

NAKILALA na ang mga suspek sa panghoholdap sa isang sangay ng LBC sa lungsod ng Catbalogan sa Samar, ayon sa Catbalogan City PNP.

Kinasuhan na umano ang tatlong suspek sa naturang panghoholdap kung saan ay natangay ang umaabot na P600,000.00 sa LBC noong araw ng laban ni Manny Pacquiao.

Ayon kay Supt. Avelino Bugtong Doncillo, Jr., ang hepe ng Catbalogan City Police, hindi pa nila muna papangalanan ang mga suspek dahil patuloy ang kanilang ginagawang operasyon para sa pagkadarakip ng mga ito.

Dagdag pa ni Doncillo, pinag-aralan mabuti ng mga suspek ang panghoholdap sa naturang LBC branch dahil itinaon nito na walang gaanong tao sa mga lansangan kung saan abala ang lahat sa panonood ng Pacquiao-Marquez fight.

Nabatid na ito ay ikaapat na na panloloob sa sangay ng LBC sa Eastern Visayas region.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply